1
NANAY: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
ANAK: Mas bobo si tatay nay,kasi narinig ko minsan sabi, "tama na inday, hanggang tatlo lang kaya ko."
2
Letter to OFW dad:
"Luv, tnx sa padala mo, hapi c nene kasi tobleron ang baon sa skul. ung nike suot na ni jr. next tym wag ka na padala NIVEA MILK. di nila type pait daw, ako tloy ang umubos."
3
IDD call from US:
HUSBAND: hon musta ang tindahan?
WIFE: dept store na!
HUSBAND: ang tuba-an?
WIFE: KTV bar na!
HUSBAND: ang mga tri-kad?
WIFE: taxi na!
HUSBAND: ang dalawa kong anak?
WIFE: LIMA na!
4
Sweethearts watchin' da sky...
GUY: ano ang horoscope mo?
GIRL: anong huruskup?
GUY: yung bang kapalaran mo, katulad ko, CANCER.
GIRL: ah, sa akin ALMURANAS!
5
TITSER: who can make a sentence then translate it in tagalog?
PUPIL: my titser is beautiful, isn't she?
TITSER: very good, translate it in tagalog.
PUPIL: ang guro ko ay maganda, maganda nga ba?
6
DONYA: bilang bagong katulong, tandaan mo na ang almusal dito ay alasais empuntu!
MAID: walang problema donya. kung tulog pa ako sa oras na yun, mauna na kayong mag-almusal!
7
Kodigo
Nahuling may kodigo ang estudyante...
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!
8
GMA
Dumalaw si GMA sa mental hospital...
Dok: Let's welcome President Arroyo! Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...
GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?
Dok: Ma'am, magaling na po siya!
9
Mamili ka
Mister: Anong tanghalian natin?
Misis: Nasa mesa! Bahala ka nang mamili!
Mister: Isang tuyo?! Anong pagpipilian ko?
Misis: Mamili ka... kakain ka o hindi?
10
Plantsa
Dok: Ano'ng nangyari sa tenga mo?
Joshue: Nama-malantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono. Aksidenteng na-pick up ko 'yung plantsa.
Dok: Eh bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?
Joshue: Ang gago, tumawag uli!
11
Minsan
Minsan, sa aking pag-iisa, naalala kita...
Inisip kong nasa tabi lang kita at tayo'y nagsasaya.
Tapos, bigla kang umalis. Nalungkot ako.
Akala ko, iiwan mo na ako.
Uutot ka lang pala, tinakot mo pa ako!
12
PALIMOS
Pulubi: Palimos po, maawa na kayo.
Tonyo: Iinom ka o magyoyosi?
Pulubi: Wala po akong bisyo.
Tonyo: Okey. Sumama ka sa akin para malaman ng nanay ko ang nangyayari sa taong walang bisyo.
13
ALITAPTAP
Anak: 'tay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagkapatay ng ilaw, dumating naman ang mga alitaptap.)
Anak: Hala ka, 'tay, nagdala sila ng flashlight!
14
SIOPAO
Kulas: Miss, isa ngang siopao, 'yung babae.
Waitress: Babaeng siopao?
Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki?
Waitress: Oho, may itlog po sa loob.