Sunday, September 23, 2007

Kapinoyan 9

1
GF: Hayop ka, niloloko mo ako!
BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah!
GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang ibang babae, magkahawak pa kamay nyo! Niloloko mo ako!
BF: Makinig ka muna... hindi kita niloloko, maniwala ka... Yung kasama ko kanina ang niloloko ko!

2
Ifugao: Apply po ako ng sundalo, sir.
Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!
Ifugao: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, kagatan na ang labanan?

3
A lizard fell on a table.
Genius: Oh! reptila scincidae;
Kikay: Eew, lizard!;
Astig: Shit, butiki!;
Mataray: Shucks, butiks!;
Mayaman: Yuck! Lacoste!;
Mahirap: Pare, ulam!

4
Pedro: Saan ka galing, p're?
Berto: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Pedro: Bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?
Berto: Mahirap ilibing eh, lumalaban!

5
Bakit "S" ang nasa costume ni Superman?
Wala na kasing medium! Napansin mo, fit masyado, di ba?

6
Tatay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula ngayon, huwag mo na akong tawaging tatay at hindi na rin kita tatawaging anak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako.

7
Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!
Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!
Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!

8
Ice cream ba talaga yung inendorse in Pacquiao sa TV ad nya na
Nestle Ice Cream? Akala ko kasi, softdrinks. Kasi, sabi nya,
"Oh mga bata, Mirinda na!"

9
A priest at a church.
Lady: Father, ang gwapo at cute mo naman! Bakit ka pa kasi nagpari?
Priest: Dahil ayaw pumayag ng magulang ko na magmadre ako! Bruha!

10
Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?!
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam nyo?
Pedro: Asin!

11
Nurse: Miss, gising na!
Patient: Ah, bakit?
Nurse: Oras na ng pag-inom ng gamot.
Patient: Anong gamot?
Nurse: Sleeping pills.

12
Ama: Bakit ka umiiyak?
Anak: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu!
Ama: Aba, magaling! Anong subject yun, anak?
Anak: Pregnancy test po itay!

13
Sa prusisyon.
Pari: Ang mga boys, sunod sa karo ni San Jose, mga girls, sa karo ni Mama Mary.
Bakla: Kami father, saan kami susunod?
Pari: Mga bruha! Follow me!
Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute!
Leo: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol nya!

14
Anak: Inay, ang galing ng titser ko.
Inay: Bakit naman?
Anak: Tinuruan kami ng kagandahang asal.
Nanay: Eh di marunong ka nang gumalang at magpo at opo?
Anak: Natural! Tanga ka ba?

15
Use "Bampira" in a sentence!
Ahmm, Dodong. Pautang naman, meron ka bampira?!

16
TUKMOL: Sino sa inyo ang matapang? Lumabas!
SIGA: Ako, matapang ako, bakit may problema ka?
TUKMOL: Wala po, survey lang ho. Ngayon, yung duwag naman ang lumabas!

17
Anak: Ma, hingi sana ako ng P50.
Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20?
Akala mo madaling kumita ng P10? O, eto P5.

18
Boy1: Bakit mo ako sinuntok?
Boy2: Tinawag mo akong hipopotamus!
Boy1: Last year pa yon! Tarantado!
Boy2: Eh kanina ko lang nakita picture ng hippopotamus, bobo!

19
May kwento ako tungkol sa lovelife ng ampalaya. Huwag na lang!
Masyadong mapait!