Sunday, September 23, 2007

Battle of the Brainless

1
Host: What "N"(narra) is the National tree of the Philippines?
Contestant: niyog?
Host: Mas matigas pa diyan
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

2
Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!

3
Host: Saang "B" (bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: sa Back?
Host: O sige, pwede rin na ang simula ay letter "L" (luneta)
Contestant: Likod?
Host: hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng Modern name niya (Rizal park)
Contestant: Rear Part? (susme! likod pa rin yun!!)

4
Host: Saang "B" (beach) tayo Madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hinde,pag pumunta ka dun, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hinde, marami kang makikita duong mga babaeng Naka-bikini.
Contestant: BEERHOUSE!

5
Host: Anong "L" (Lifeguard)ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito
Contestant: Safeguard?
Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant: Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah... Si MR. CLEAN!

6
Host: Anong "S" (salbabida) ang ginagamit na Floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hinde! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito Lalake.
Contestant: Siyoke?

7
Host: What "S" (sampaguita)is the nat'l flower of the Phils?
C: Sunflower?
H: Hindi. Binebenta ito sa Kalye.
C: Stork?
H: Hindi. Bulaklak sabi eh.
C: Sitsarong bulaklak?
H: Hindi pa rin. It ends with a letter "A"
C: Sitsarong bulaklak na may sukA?
H: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!
Ano ang pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ng isang sikat na singer?!
C: si..Sharon CunetA!

8
H: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster of Asia? (EUGENE TORRE)
C: Carole KING?
H: hindi, mas mababa sa king
C: Al QUINN?
H: hindi, tagalog ang apelyido niya.
C: armida siguion-REYNA?
H: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
C: BISHOP bacani?
H: mas mababa sa bishop.
C: Johnny midNIGHT?
H: mas mababa sa Knight
C: Jerry PONS?
H: O ayan ha, nabanggit mo na lahat ng Piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.
C: Sylvia laTORRE!

9
Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500peso bill?
Clue: may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: N-ora A-unor?
Host: Hindi.Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: guY A-unor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO?!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!