Wednesday, September 24, 2008

Ang Alamat kung Bakit Sinungaling ang Mga Lalake

Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, "Tutulungan kita, Pedro" Sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer, "Ito ba ang martilyo mo?"...

"Hindi po."

Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer, "Ito ba?"

"Hindi po."

Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "Ito ba?"

"Opo!"

Natuwa ang anghel.

"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and silver hammer!"


Makaraan ang ilang araw... naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog. Iyak si Pedro.

Litaw si guardian angel. "Tutulungan kita."

Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Diana Zubiri. "Ito ba ang misis mo?"

Sagot si Pedro, "Opo!"

Nagalit si anghel, "Sinungaling ka.. Akala ko pa naman eh mabait ka."

Nag-reason-out si Pedro, "Sorry po, angel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at Katrina. Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una."

MORAL OF THE STORY:
Kaya lang naman nagsisinungaling ang mga lalaki eh for a good and noble reason...

Wednesday, January 16, 2008

Kapinoyan 2008

Things you don't want to hear during your own surgery:
-san yung gunting na bago? Bat may kalawang to?
-10ml? may nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
-doc, ubos na po pala yung anesthesia.
-kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
-sunog! Sunog! Labas lahat!


BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali!
Lagi nalang ako mali! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: anak, wag ka magsalita ng ganyan. Nagkakamali ka!
BOY: Shet! Mali na naman ako!

BF : May ibibigay akong gift sayo, pero hulaan mo muna!
GF: Sige, clue naman...
BF: Kailangan ito ng leeg mo.
GF: Kwintas?
BF: Hindi... PANGHILOD! SMILE!

JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ? (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh!! Kala ko ba hearing lang to? Bakit may speaking?

NARS: doc, bat tinanggihan nyo yung pasyente?
DR: alin, yung bakla?
NARS: opo. Baka sabihin namimili tayo, porket bading siya.
DR: ano naman raraspahin ko sa kanya?

FROG: what does my future hold?
FAIRY: you'll meet someone who wants to know everything about you.
FROG: great! Will I meet her in a party?
FAIRY: no. in biology class

Sa Math Class...

Teacher: Banong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Banong: 2 po mam!
Teacher: At kung hnati ko pa pareho?
Banong: 4 na piraso po!
Teacher: Hinati ko ulit.
Banong: 8 piraso po.
Teacher: Hinati ko pa.
Banong: 16 po mam.
Teacher: Hinati ko pa?
Banong: 32 piraso na po!
Teacher: Kung hinati ko ulit?
Banong: 64 po! (nakangiti)
Teacher: At hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?
Banong: Ay susmaryosep mam! GINILING napo! GINILING!!!


SA BAKERY
Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba, sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto
pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?

ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yunn pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?
TATAY: Tanga inde danktrak un...TEN MILLER!!!

DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.


in a miss gay pageant:
HOST: how can we uplift our economy today even though we are under economic crisis?
BAKLA: (namutla) mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!

BOY1: nakakakawa naman lola mo.
BOY2: bakit?
BOY1: nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo.
Pinagtitinginan nga ng tao.
BOY2: papansin lang yun!
BOY1: bakit?
BOY2: bago kasi blouse niya!

TEACHER: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa
dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: eeewwww!

STUDENT: ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: natural hindi.
STUDENT: good, di ko po ginawa assignment ko!

PARI: halika sa sulok
MADRE: bakit po?
PARI: sara mo pinto.
MADRE: wag po!
PARI: patayin mo ilaw!
MADRE: diyos ko po!
PARI: tamo rosary ko. Glow in the dark!

TITSER: bat ka na-late?
EDWARD: nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.
TITSER: tinulungan mo siyang maghanap?
EDWARD: hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.

Sa kasalan
PARI: sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.
GROOM: eto P5, father.
Tinignan ng pari ang bride.
PARI: eto P4 sukli mo iho.

Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.
LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin!

SA OSPITAL.....
WIFE: hon, nahirapan ako huminga.
HUSBAND: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.

INA: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.[pagkatapos tawagan.]
ANAK: nay, babae po ang sumagot.
INA: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: 'you only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay mukhang matapobre.



nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: bobo! Seedless to!

ANAK: nay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: yun yung sampung utos ng Diyos.
ANAK: mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: bakit?
ANAK: ang dami niyong utos eh!

thought to ponder:
hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay pinutol niya lahat ng puno para gumawa ng napaka laking arko? ano sa tingin mo?

PEDRO: niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: paano mo naman niloko yung tindera?
PEDRO: nagpaload ako eh wala naman akong celfon.

kung totoo ang ' Darwin 's theory of evolution' na ang tao ay nagmula sa unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo?